ISULAN, Sultan Kudarat – Tiniyak ni Superintendent Romeo Galgo, tagapagsalita ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Region 12, na mahigpit nilang ipinatutupad ang General Orders Number 1, sa ilalim ng PD 216 o martial law sa Mindanao.

Sinabi ni Galgo na 24 oras ang police checkpoint sa buong rehiyon.

Bukas din umano ang kani-kanilang mga unit sa anumang reklamong pang-aabuso o paglabag sa karapatan ng mamamayan.

Nabatid na mahigpit din ang tagubilin ni Police Chief Superintendent Cedric Train, PNP-PRO 12 regional director, sa mga police station na sakaling may mamataan o magsumbong sa presensiya ng alinmang grupo ng armado, ay agad nila itong respondehan.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Samantala, naging mapayapa ang paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Region 12. (Leo P. Diaz)