Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

12 n.t. - Flying V vs Wangs

2 n.h. -- Cignal HD vs AMA

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

IKATLONG sunod na panalo ang target ng baguhang Flying V sa pakikipagtuos sa Wangs Basketball sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena.

“There’s no doubt that this team can play on offense. The thing I’m worried about is our defense,” pahayag ni Flying V Thunder coach Eric Altamirano.

Makikita rin kung sapat na ang isang linggo para sa Thunder upang matutunan at maitama ang kanilang mga mali para sa pagsabak nilang muli sa laban.

Isang malaking hamon para kay Altamirano na maipagpatuloy ang nasimulang 2-game run sa pamumuno nina Jeron Teng, Gab Banal, at Eric Salamat.

“I think more than the other team, what we want is to improve on our game first,” ani Altamirano.

Sa panig ng Wangs, hangad nila ang makabangon mula sa natamong 79-81 kabiguan sa kamay ng Batangas nitong Martes.

Sasandigan ni coach Pablo Lucas sa hangad nilang pagbawi sina Robbie Herndon, Michole Sorela, at Tim Habelito sa laban ganap na 12:00 ng tanghali bago ang salpukan ng Cignal HD at AMA Online Education ganap na 2:00 ng hapon.

Gaya ng Couriers, hangad din ni Cignal coach Boyet Fernandez na makabawi sa nalasap na 65-66 sa kamay ng Marinerong Pilipino nitong Huwebes. (Marivic Awitan)