Pinaghahanap ng awtoridad ang isang lalaki na pinaghihinalaang nanaga at namugot sa babaeng kinakasama sa Barangay Aurora, Alicia, Isabela.
Suspek si Erick Sampaga, 20, ng Barangay Aurora Alicia, sa pagpatay kay Mary Ann Colobong, 20, ng Bgy. Linglingay.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Alicia Municipal Police Station na natuklasan ang krimen nang makita ng caretaker ang pugot na bangkay ng biktima sa sementeryo.
Ayon sa mga pulis, iniwang nakapatong sa nitso ang ulo ng biktima.
Nagtamo rin si Colobong ng sugat sa iba’t ibang ng katawan at may palatandaan na siya ay nanlaban. (Fer Taboy)