George copy copy

MAGIGING kaligayahan ni George Clooney ang anumang bagay na gagawin niya para sa kanyang bagong silang na kambal, ayon sa kanyang amang si Nick.

Ang 56-anyos na aktor ay naging first-time father nang isilang ng kanyang asawang si Amal sina Ella at Alexander nitong Martes. Bagamat hindi pa niya nakikita nang personal ang kambal, ipinakita kay Nick at asawang si Nina ang mga bata sa pamamagitan ng Skype, at nagsalita si Nick sa U.K. television programme na Good Morning Britain tungkol sa mga bago niyang apo nitong Huwebes.

“George will be an absolutely wonderful father. Amal will be, and already is, a magnificent mother. She is an incredible woman. I’m constantly amazed by her. George certainly married up!” biro ni Nick.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

At nang tanungin kung magiging masaya si George sa pagtulong kay Amal sa lahat ng aspeto ng pagiging magulang, kabilang ang pagpapalit ng diaper, sumagot si Nick na: “He will be hands on entirely and he will do it with humour and joy.”

Gayunman, hindi nailarawan ng Clooney patriarch kung anong features ng kanyang anak ang namana ng mga sanggol nang tanungin tungkol sa hitsura ng mga ito.

“They are absolutely beautiful. I’m supposed to be a reporter, therefore observant, but I really don’t know how to describe one beautiful baby from another beautiful baby. These are two beautiful babies,” dagdag niya.

“My wife would be the one you’d have to talk to as to who’s nose looks like Grandpa’s nose or Grandma’s nose - they are perfect.”

Pinasalamatan din ni Nick ang mga tagahana ng Money Monster actor at ng human rights lawyer wife nito, na sinubaybayan at sinuportahan ang mag-asawa sa lahat ng kabanata ng pagbbubuntis.

“They have sent good wishes, they have kept attentive watch on this event as it unfolded and we have been aware of that and we have really been very, very grateful. Thank you,” aniya.

Nagbahagi din ang kapatid na babae ni Amal na si Tala Alamuddin ng pagbati matapos maging ina ang kanyang kapatid, sinipi ang folk-rock duo na Indigo Girls sa isinulat niyang: “Doubling down #poweroftwo #emPOWERed #rockstars #TOTALLYtwinning #gotheextra2miles #indigogirls #80sladiesrock #wisewordswednesdays #TALAgram #TOTALLYdoubled.”

Tiyak na nagbigay rin ng payo si Tala kay Amal, dahil siya rin ay may anak na kambal at isa pang anak na babaeng si Mia. (Cover Media)