CAPAS, Tarlac – Naaresto ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Capas Police sa Tarlac ang isang sinasabing matinik na drug pusher sa Barangay Cristo Rey, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni PO1 Ericson Bauzon ang naaresto na si Ramil Del Rosario, 42, may asawa, ng Bgy. Cristo Rey, Capas.

Narekober sa suspek ang dalawang plastic sachet na may 0.014 at 0.009 gramo ng hinihinalang shabu kapalit ng P500 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog