DANIEL KATHRYN DIREK CATHY ANGEL AT RICHARD copy

BAMPIRA ang role ni Richard Gutierrez sa La Luna Sangre kaya naitanong sa kanya ng mga pilyang katoto kung madalas ba niyang kagat-kagatin ang girlfriend na si Sarah Lahbati.

“Well, ngayon dahil nagti-taping ako at medyo busy, hindi ganu’n kadalas. Pero mas madalas-dalas bago nag-strart ‘yung La Luna Sangre,” napatawang sagot ng bagong Kapamilya actor.

After ten years, makakasama uli ni Richard sa serye ang dati niyang ka-love team na si Angel Locsin. The Promise ang huling project na pinagsamahan nila noon pang 2007. Kaya napakasaya ni Richard, sino ba naman daw ang mag-aakala na muling silang magkakasama ni Angel.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

“Siyempre, excited tayo and very much happy because after ten years, eh, makakatrabaho ko ulit si Angel. I think naman, eh, marami pa ring excited na mapanood kami ulit,”sey ni Richard.

Aware si Richard na tiyak na puyatan ang taping ng La Luna Sangre pero wala siyang reklamo.

“Ang sarap, to be back on the set na mapuyat ulit, embracing the grind and it’s been great working environment, napakabait sa akin ng mga staff, sobrang bait sa akin ni Direk Cathy Garcia-Molina at ang lahat ng ibang director na katrabaho ko. They’re very accommodating and collaborative. So I’m enjoying the process,” lahad ng aktor.

Bukod sa La Luna Sangre ay pinaghahandaan na rin niya ang pelikulang pagsasamahan nila nina Angel at Angelica Panganiban sa Star Cinema.

“Sobrang excited. Very excited about the movie, hindi pa kami nag-start pero malapit nang mag-start ‘yung movie and I’m preparing for that. Ang that movie is another challenge for me kasi napakaganda ng script.

“It’s going to demand a lot from me as an actor and I’m excited,” banggit niya.

Siyempre, dahil nasa ABS-CBN na si Richard Gutierrez, tinanong siya kung sino pa sa Kapamilya actresses ang gusto niyang maging leading lady.

“Well, siyempre, given that, I’ll be working with Angel again. That’s something I’ve always wanted to do, to have a project with Angel. Sabay kami nag-start and finally, we will be working again after ten years so, I guess ‘yun muna.

That project means a lot to me,” banggit pa ng actor. (Jimi Escala)