SEOUL (AFP) – Nagpakawala ang North Korea ng mga surface-to-ship cruise missile mula sa silangang baybayin nito kahapon, sinabi ng defence ministry ng South Korea.
‘’North Korea fired multiple unidentified projectiles, assumed to be surface-to-ship cruise missiles, this morning from the vicinity of Wonsan, Gangwon Province,’’ pahayag ng defence ministry.
Lumipad ang mga short range missile sa layong 200 kilometro at sa taas na dalawang kilometro bago bumagsak sa Sea of Japan.
Layunin ng paglunsad na ipakita ang ‘’various missile capabilities and antiship precision strike capability,’’ ayon sa Seoul.
Ang cruise missile tests ay hindi labag sa mga regulasyon ng United Nations, paliwanag ni Korea Defence Network analyst Lee Il-Woo. Ang mga ito aniya ay ‘’much slower than ballistic missiles and can be shot down by anti-aircraft guns’’.
Ipinagbabawal ng UN ang anumang pagsubok ng North na gumagamit ng ballistic missile.