MAGKAKAROON ng thanksgiving presscon ang GMA-7 para sa success ng airing ng Meant To Be next week at doon lang uli mai-interview ang buong cast after the presscon/launching ng rom-com series.

Last time na rin sigurong mai-interview na magkakasama sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto dahil paghihiwalayin daw muna ang MTB Boys after ng seryeng ito.

So, asahan nang magkakaroon sila ng new partner sa susunod nilang show at ganoon din si Barbie Forteza, unless tama ang narinig namin na for her next show ay isa sa MTB Boys ang kanyang makakapareha. Kung sino ito, abangan na lang natin.

Sa June 23 na ang ending ng Meant To Be, may poll voting sa viewers para alamin kung sino sa apat na boys ang gusto nilang maka-meant to be ni Barbie. Nagsimula ang poll voting noong June 4, magtatapos sa June 18, kaya boto na!

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero sabi ni Direk LA Madridejos, hindi lang sa poll voting ibabatay kung sino ang pipiliin ni Barbie, dapat nasa story rin. Kailangang may piliin si Barbie dahil kung wala, hindi magiging consistent sa gist ng story.

Masaya si Direk LA sa MTB Boys dahil mas nakilala sila sa Meant To Be, dinudumog sa mall shows, napi-feature sa mga magasin, at inimbita sa mga out of town shows. Ang wish ni Direk LA, more projects pa sa apat na leading men ni Barbie.

Nasa Singapore pa ngayon ang cast ng rom-com serye dahil nag-taping sila roon para sa mga importanteng eksena na makakatulong para piliin ni Barbie ang ka-meant to be niya. Bukas, balik-Pinas na sila. (NITZ MIRALLES)