France Tennis French Open

PARIS (AP) — Bagong mukha ang tiyak na kokoronahan sa women’s draw, ngunit sa men’s title ang mga pamilyar at batikan na Grand Slam champion -- Andy Murray, Novak Djokovic, Stan Wawrinka at Rafael Nadal – ang kabilang sa quarterfinalist ng French Open.

Kapwa naitala nina No. 1 seeded Murray, three-time major champion at runner-up sa Roland Garros sa nakalipas na taon, gayundin si No. 3 Wawrinka, ang 2015 French Open titlist, ang magaan ang straight set win nitong Lunes (Martes sa Manila).

Sa kabila ng katotohanan na tatlo sa walong quarterfinalist sa women’s side ay top seeded player -- No. 2 Karolina Pliskova, No. 3 Simona Halep at No. 5 Elina Svitolina — wala sa kanila ang naging kampeon sa Grand Slam event.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Ginapi ni Pliskova si Veronica Cepede Royg, 2-6, 6-3, 6-4; habang pinatalsik ni Halep si No. 21 Carla Suarez Navarro 6-1, 6-1; nagwagi si Svitolina kay Petra Martic 4-6, 6-3, 7-5; habang naungusan ni No. 28 Caroline Garcia ang kapwa Frenchwoman na si Alize Cornet 6-2, 6-4.

“Everyone knows who remains in the draw,” sambit ni Svitolina. “It’s a big opportunity.”

Higit na mas malalalim ang karanasan sa men’s side sa pangunguna nina Murray at Wawrinka, gayundin nina No. 2 ar defending champion Djokovic, at No. 4 Nadal sa ilalim ng draw. Target ni Nadal ang ika-10 titulo sa Paris.

“Looks like one of the top four guysis going to end up grasping the champion’s Coupe des Mousquetaires,” pahayag ni seven-time major titlist John McEnroe.

Magaan na pinataob ni Murray ang 21-year-old na si Karen Khachanov 6-3, 6-4, 6-4, habang nanaig si Wawrinka sa nalalabing Frenchman sa draw na si No. 15 Gael Monfils, 7-5, 7-6 (7), 6-2.

Sunod na makakaharap ni Murray si No. 8 Kei Nishikori, nagwagi kay Fernando Verdasco 0-6, 6-4, 6-4, 6-0, habang mapapalaban si Wawrinka kay No. 7 Marin Cilic, namayani kay Kevin Anderson (Withdraw, 6-3, 3-0).

“It’s a huge bonus for me, looking to the rest of the tournament. Knowing that, mentally and physically, I haven’t spent any energy at all,” ayon kay Celic.

Mapapalaban si Svitolina kay Halep, ginapi si No. 21 Carla Suarez Navarro 6-1, 6-1, habang haharapin ni Pliskova si No. 28 Frenchwoman Caroline Garcia, nanaig sa kababayan niyang si Alize Cornet, 6-2, 6-4.