PUMANAW ang pamosong sportsman at broadcast titan na si Carlos ‘Bobong’ Velez nitong Sabado sa edad na 71.

Si Velez ang nasa likod nang matagumpay na television coverage ng PBA at iba pang malalaking commercial at collegiate basketball league.

Kasama ang kapatid na si Ricky, itinatag ni Velez ang Vintage Enterprises noong 1978. Nakuha ng Vintage ang broadcasting right ng PBA noong 1982.

Tumagal ang tambalan ng Vintage at PBA nang dalawang dekada bago ang pagbabago noong 2002.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa panahon ng Vintage coverage sa PBA, nakilala ang mahuhusay na broadcaster at sports analysts tulad ng namayapang si Joe Cantada, Pinggoy Pengson, Ronnie Nathanielsz, Jun Bernardino, Butch Maniego, Romy Kintanar, Andy Jao, Quinito Henson, Steve Katan, Norman Black, Tim Cone, Freddie Webb, Joaqui Trillo, Sev Sarmenta, Ed Picson, Jimmy Javier, Noli Eala, Chino Trinidad, at Bill Velasco.