NALUSUTAN ng San Beda College ang matinding hamon ng University of Perpetual Help upang makamit ang ikaapat na sunod na panalo, 64-61, sa overtime nitong Biyenes sa Filoil Flying V Premier Pre Season Cup sa Fil-oil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala ng 12 puntos si Robert Bolick upang isalba ang Red Lions sa overtime game.

Kahit nanalo, hindi nasiyahan si head coach Boyet Fernandez sa naging results ng laro.

“If I were to give the game, I’ll give it to Perpetual. They deserved this win, we didn’t deserve the win,” pahayag ni Fernandez. .

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re just lucky they missed their foul shots and we made our shots in regulation,” aniya.

Sa extension lamang gumanda ang shooting ng Red Lions hanggang sa mabawi nila ang bentahe, 63-59, may 1:39 na lamang ang nalalabi sa laro matapos ang three-pointer ni Benedict Adamos.

Nawalan ng halaga ang magandang laro ni Daryl Singontinko na nagtapos na may 19-puntos dahil bigo siyang ipanalo ang Altas. (Marivic Awitan)