SHARON copy copy

SI Sharon Cuneta ang latest victim ng fake news sa ibinalitang may HIV/AIDS daw.

Sobra ang pagka-fake ng news dahil na-interview daw si Sharon ng Houston Times at noong 46 years old pa raw siya na-diagnose na may HIV/AIDS at itinago lang.

Heto pa, sa radio raw unang inamin ni Sharon na may HIV/AIDS siya at idinamay pa si Sen. Kiko Pangilinan. Sabi pa ng fake news, ipinanganak ni Sharon si Miguel, gayong alam nating lahat na adopted ang bata.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Heto ang reaction ni Sharon: “On my way home from The Voice Teens taping. Uunahan ko na kayo para po aware na aware kayo at pakikalat na din po na may biglang suddenly widowt eyni warning ay MERON DAW AKONG HIV!!!

SANTISSIMAMADREDESANAMAGANNNAMAN nanang ko po!!! FAKE NA FAKE PO ANG NEWS NA ‘YAN! Kung meron po talaga akong HIV, ang ibig sabihin lang po nito ay I am HUNGRY sa kakadiet, but I am SLOWLY becoming really VERY sexy again! HAHAHA!

Joke! Pero puede ring hindi joke. Basta po yung may sakit daw po akong HIV is SUPER FAKE NEWS. God have mercy on the souls of those responsible for this horrible “joke.” Uuy...excited ako makita ang punishment ni Lord sa inyo! Yehey!

Ang inaapi ay pinagpapala! Yahoo may blessings na naman akong parating dahil sa kasamaan ng ibang tao!!! Teynk you po! Mabalos.”

O, di ba, nakakaloka ang balita kay Sharon! Maganda ang ginawa niya na sa halip na magalit ay idaan sa biro ang reaction. (Nitz Miralles)