Angel Locsin

SANA mabasa ng fans ni Angel Locsin ang post niya sa Instagram tungkol sa pagganap ni Liza Soberano as Darna para hindi na sila magalit sa huli, kay Direk Erik Matti at sa Star Cinema. Ipinasa na ni Angel kay Liza ang torch sa pagiging Darna nito, kaya wala nang magagawa ang nagagalit at umiiyak na fans ni Angel.

Ipinost ni Angel ang picture ni Liza na hawak ang Darna comics at may mahaba siyang message.

“These three comic books are very special to me. These were given to me way back when I was asked to play the role of Darna for me to get to know the super-heroine better. And for ten years, I kept these. Now that we have a new Darna, I asked Tita Malou (Santos) to give these to Liza as my gift hoping they can help her just as they helped me. And just like the stone of Darna, I’m hoping that she’ll pass this on to her next successor someday. I wish Liza the best of luck! I know she’ll do great:) Sa huling pagkakataon, maraming salamat po sa pagmamahal kay Darna. Salamat po sa former (GMA) & present network ko (ABS-CBN) pati ang Ravelo family sa pagkakataon. Now it’s time to welcome our new Darna:).”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May naiyak nang mabasa ang message ni Angel at hindi na naman maiwasang may nag-wish na sana siya pa rin si Darna. At the same time, they wish Liza the best at looking forward sila na mapanood ang pelikulang Darna na si Liza na sisigaw ng “Ding, ang bato”, ang lulunok nito, at lilipad.

Samantala, may nakita kaming picture ni Liza na nasa gym at nagwu-workout. Kung nagwu-workout man siya dati, mas matinding workout ang ginagawa niya ngayon bilang paghahanda sa gagampanang role sa gagawing pelikula.

(NITZ MIRALLES)