BEA_please crop copy

MAS motivated at hindi napi-pressure si Bea Binene sa magandang feedback sa gumaganap na batang Anya, ang character na kapag lumaki at nagdalaga na ay gagampanan niya sa Mulawin vs Ravena.

Sa ngayon, ang kasalukuyang napapanood ay ang child star na si Leanne Bautista na napakahusay gumanap sa role kahit bata pa ito. Hinangaan na rin si Leanne sa pagganap noon bilang anak nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa Juan Happy Love Story dahil natural ang pagsasalita at acting niya. Ngayon, ganap na ganap din siya bilang batang Anya.

“Sa third week pa po ng telefantasya kami lalabas ni Derrick Monasterio bilang si Almiro naman siya,” kuwento ni Bea.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ako pa as Anya ay anak ng mulawin na si Aviona played by Carla Abellana at tao ang ama ko, si Rodrigo played by Tom Rodriguez.”

Excited si Bea sa pagganap niya ngayon sa Mulawin vs Ravena.

“Bata pa lang po ako gusto ko na mga action series,” kuwento ng teenstar. “Nanghinayang nga ako na hindi ako nakasama noon sa unang Mulawin, na kasama noon ang kasabayan ko sa Starstruck Kid na si Miguel Tanfelix na gumanap bilang si Pagaspas. Now, kasama ko rin dito si Miguel playing the same role. Nakagawa na rin ako ng projects na may action scenes, like Luna Blanca, Captain Barbel na may action scenes din. Dito as Anya, magiging tough din ang character ko dahil sa mga pinagdaanan ko noong bata pa ako.

“Kaya po itong Mulawin vs Ravena ay passion project ko na talagang pinaghandaan kong mabuti. Iba naman ang atake nito sa fight scenes, malayo po sa ginagawa ko sa gym na wushu. Ini-enjoy ko ang fight scenes dito at ang pagsusuot ng harness kahit sa simula ay mahirap pero nasasanay na ako ngayon.”

Siya rin daw ang nag-imbita kay Derrick na doon sa pinupuntahan niyang gym mag-workout dahil mas kailangan ito ni Derrick sa role nito. Nabiro tuloy si Bea kung natuloy na sa panliligaw sa kanya si Derrick.

“Hindi po, siguro naging close na lang talaga kami, dahil matagal na kaming magkasama, since Tween Hearts pa at nasundan pa iyon ng ilang projects. Noon nagsimula siyang manligaw pero hindi niya itinuloy, hanggang sa nabalitaan ko na may girlfriend na siya. Bata pa naman ako noon.”

Natawa si Bea nang kumustahin tungkol kay Jake Vargas, dahil three years na raw since nag-break sila nito.

Civil naman daw sila sa isa’t isa kapag nagkiktia. Nag-guest siya minsan sa Pepito Manaloto kaya nagkita sila. Okey na sa kanya na wala muna siyang boyfriend ngayon, nakakalakad siya kung gusto niya na hindi na kailangang magpaalam.

Wala namang problema dahil anywhere na gusto niyang pumunta, lagi naman niyang kasama ang mommy niya.

Bea will turn 20 this year, ano ba talaga ang hinahanap niya sa isang boyfriend?

“Gusto ko, marespeto, adventurous na kamukha ko, mahal ang family ko.”

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal nang hindi nakikita ni Bea ang father niya, pero ngayon ay naiintindihan na raw niya ang sitwasyon nila. Ramdam naman daw niya na anuman ang na-achieve niya, proud sa kanya ang papa niya.

Dahil malapit na ang Father’s Day, ang wish niya ay alagaan lagi ng ama ang sarili nito. Matagal na niyang nami-miss ang papa niya. (NORA CALDERON)