IZA copy

SI Liza Soberano ang gaganap na Darna sa pelikula ng Star Cinema na ididirek ni Erik Matti na sa susunod na taon pa ipapalabas.

Pagkatapos ng halos isang taong survey sa netizens kung sino ang nababagay gumanap bilang Darna ay hindi naman nagkamali ang lahat dahil halos iisa rin ang bukambibig sa ABS-CBN, ‘Si Liza, mas bagay, dahil sexy na maganda pa.”

Matatandaang hindi na pumuwede si Angel Locsin dahil sa injury sa likod at kahit nagpagamot na siya sa Singapore at dumaan sa series of therapy ay hindi pa rin siya pinayagan ng doktor. May nakita kasing epekto nu’ng mag-training siya para sa role, at may instances na dumadaing sa sakit ang aktres.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero ang revelation, Bossing DMB according to our source, since from the start ay si Liza na talaga ang napupusuan ng ABS-CBN execs para gumanap bilang Darna kaya sa pagtatapos sana ng Darna movie ni Angel ay kanya ipapasa ang bato.

‘Yan sana ang magiging transition ng istorya.

Pero hindi na nga puwede si Angel, kaya wala nang transition o back story, si Liza na all throughout the movie.

Dagdag pa ng aming mahusay na spy sa Kapamilya Network, “‘Yung gaganap na Ding ang hindi pa napipili, may pa-audition pa. Pero kasama sina Anne Curtis at Iza Calzado as villains. I’m not sure what will be their role, pero definitely, kontrabida.”

As of press time, magsisimula pa lang mag-training si Liza para maging physically fit.

At kung walang mababago sa timeline ni Direk Erik, posible nang magsimulang mag-shoot si Liza bago matapos ang Hunyo.

Ito rin ang mga dahilan kung bakit hindi makakasama si Liza sa mga out of town/country shows tulad sa Canada.

May nakipag-chat din sa aming supporters ng dalaga na pati pala sa gaganaping Star Magic ball ay wala rin si Liza kaya solo na naman daw si Enrique Girl na dadalo sa yearly event.

Hmmm, baka naman puwede pang magawan ng paraan na dumalo si Liza, tutal isang gabi lang naman ito at para maging mas lalong makulay ang gabi ng Star Magic dahil dumalo si Darna.

Remember, last year, si Liza ang loveliest sa Star Magic Ball.

Anyway, iisa ang tanong ng netizens, sino ang leading man ni Liza? Dapat si Enrique kasi kung may bago at mag-click, e, lagot ang aktor, may kaagaw na siya sa dalaga. (REGGEE BONOAN)