Pinagbabaril at pinatay ang isang retiradong pulis na isa umanong high value target (HVT) at dating miyembro ng “Ninja cop”, habang nagdi-gym sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nadamay naman ang dalawa niyang gym buddy.

Dead on the spot si SPO3 Dennis Padpad, 47, huling itinalaga sa Sulu, ng 2117 Silahis Street, sa Sta. Ana, dahil sa 10 tama ng bala sa ulo at katawan habang sugatan naman sina Harkamal Preet-Singh, 23, Indian, ng 2322 Oro St., San Andres Bukid, at Rick Jezriel Zamora, 22, ng Unit 1E Banlagyas Condominium, Raymundo St., sa Sta. Ana.

Sa ulat ni PO3 Jeffrey Laus, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 6:20 ng gabi nangyari ang pamamaril sa SMJV Body Fitness na matatagpuan sa Augusto Francisco St., Sta. Ana.

Abala umano sa pag-eehersisyo ang biktima nang biglang dumating sa gym ang apat na suspek at pinaulanan ng bala ang una bago mabilis na tumakas gamit ang dalawang motorsiklo.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Minalas namang madaplisan ng bala sina Preet-Singh at Zamora na nagkataong nag-eehersisyo rin sa lugar.

(Mary Ann Santiago)