JANNO AT ALDEN copy

ISA si Janno Gibbs sa special guests ni Alden Richards sa Upsurge, ang first major concert ng Pambansang Bae na ginanap sa Kia Theatre last weekend. Pagkatapos mag-duet ng composition ni Janno na Pinakamagandang Lalaki, bago kumanta ng solo song at bago tumalikod si Alden para makapagpalit ng outfit, nagkuwento si Janno kung bakit hanggang ngayon ay tumatanaw siya ng utang na loob kay Alden.

“Kaya nang malaman kong may concert si Alden, bukod sa magkasama kami sa GMA Records, sinabi kong hindi p’wedeng hindi ako mag-guest,” kuwento ni Janno. “Gusto ko lamang magpasalamat kay Alden, sandali po lamang ito.

“Hindi ko malilimutan nang pumanaw ang father-in-law ko (basketball legend na si Caloy Loyzaga), ang tatay ng asawa kong si Bing Loyzaga last year at naiwanan niya ang mother-in-law ko. Simula nang mamatay si Daddy, hindi na namin nakitang ngumiti si Mommy at ikinalungkot namin iyon. Minsan ay tinanong ko siya kung ano ang bagay na makapagpapabalik ng ngiti niya, ang sagot niya, gusto lamang niyang makita ang favorite actor niya, si Alden Richards.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Kaya tinawagan ko si Alden at tinanong siya kung p’wede lamang dumalaw sa amin. Hindi naman kami nabigo dahil kahit may appointment din siya, inuna niyang puntahan si Mommy at since then, bumalik na ang ngiti sa kanya. Salamat, Alden. Hindi namin malilimutan ang ginawa mo para kay Mommy.”

Last year iyon, nagkataong kasal nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, na parehong nasa entourage sina Alden at si Maine Mendoza. Matatandaan na na-bash pa noon si Alden dahil late raw dumating, pero papasok pa lang naman noon ang entourage sa pagsisimula ng wedding rites. (NORA CALDERON)