Sharon KC Frankie at Miel copy

NAKAKALUNGKOT kung totoo ang kumakalat na issue sa showbiz na hiwalay na sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan. Pero ayaw naman mag-comment ang malalapit na kaibigan ni Sharon, ayaw daw nilang makialam dahil personal na issue na iyon at hindi naman nila nakakausap si Sharon.

Pero marami ang nakakapansin sa posts ni Sharon sa social media na ang binabanggit lang niya ay ang mga anak niyang sina KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel. Napansin din ito sa mga punchline ni Mega nang muli siyang mag-guest sa repeat ng concert ni Basil Valdez sa Solaire last Saturday, na bagamat nagpapatawa siya ay may mga bagay namang ipinagtataka ng fans. Halimbawa, nang mag-I love you sa kanya ang fans sa audience, ang sagot ni Sharon, “My fans have been there longer than my failed relationships combined.”

At tama na raw, quota na siya sa mga heartbreak niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

So, hintayin na lang natin kung ano ang totoo sa mga usap-usapang ito sa showbiz. Baka sakaling mag-post tungkol dito si Sharon, na sa huling posts sa Facebook ay nagpahayag na two days after makabalik siya from the US, balik-taping na ng The Voice Teens. At noong Mayo 20, nagsimula na siyang mag-shooting ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na unang movie niya for Cinemalaya. Humihiling din siya ng prayers, dahil mahirap daw umakting lalo na at for so many years, hindi na siya umaarte sa pelikula.

Nag-post din si Mega ng “Sharon Cuneta US Concert 2017” tour dates: First leg: June 16, Friday, Chumash Casino Resort, Sta. Ynez, California at sa June 17. Saturday, James Logan High school, Union City, California. June 24, Sunday –Alex Theater, Glendale, California. Special guests, Ian Veneracion and the Voice Kids Antonette Tismo.

Ang second leg ng concert tour ay sa July 8, Saturday – Golden Auditorium, Queens New York at July 9, Sunday – Morongo Casino Resort and Spa, Cabazon, California. Ang special guests ni Sharon si Miss Ai Ai delas Alas and The Voice Kids Antonette Tismo.

May nasagap din kaming balita na kasama raw ni Sharon si Sen. Kiko sa US tour niya. Panay ang wish ng friends nila na sana ay totoo ito at magkaroon sila ng bonding time.

Matagal nang parehong busy sa kani-kanilang work sina Shawie at Kiko. (NORA CALDERON)