Ni ADOR SALUTA

MGA anak ng celebrities ang panauhin sa Gandang Gabi Vice kamakailan, sina Iñigo Pascual (anak ni Piolo), Angelina Cruz (anak ni Sunshine sa estranged husband na si Cesar Montano), Leila Alcasid (anak ni Ogie sa dating Miss Universe-Australia na si Michelle van Eimeren) at Andrei Yllana (anak ng estranged couple na sina Jomari at Aiko Melendez).

Sa interview portion na-nosebleed ang host sa kai-ingles ng tatlo. Si Iñigo ay raised by his mom sa US, while si Leila ay sa Australia tumira no’ng maghiwalay sina Ogie at Michelle, at si Angelina nama’y laking international school na 100% English ang wikang ginagamit.

Hindi man nakipagtalakan sa English si  Andrei sa kapwa guests, nakitaan naman ang binata ng potensiyal na maging isang aktor. Showbiz ang dating ni Andrei na obviously ay namana sa mga magulang. Napaka-relax at confident siyang sumagot. Marunong siyang makipagbiruan at nagpa-sample pa ng galing sa pagkanta. In fairness, hinog na si Andrei para pasukin ang showbiz.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pinuna ng ilang netizens ang 15 year-old na anak ni Sunshine na hirap daw magsalita ng Tagalog, kahit dito naman lumaki. Sinagot ni Sunshine ang mga bumabatikos at sinabing “she’s learning.”

Ang ilan sa tweets na nakarating kay Sunshine ay mula kay zolmh: ask ko lang Pinoy naman kayo bakit hindi nagtagalog ang mga anak mo?” 

Ang sagot ni Sunshine: “she is exerting effort and learning.”

Sa isa pang puna galing kay @hyacinthlove1984 na tungkol din sa hindi pagiging Tagalog speaker ng teener, ang sagot ni Shine: “Hindi pa s’ya maka-straight kaya nag-i-efort naman ang bata na magtagalog. Lets  give her a chance to improve. She’s only 15 and she’s trying her best naman. If she’s not that attractive for your taste, we will respect that.”

Ilang positive feedback naman ang natanggap ni Sunshine, gaya ng pagti-trending sa Twitter ng kanyang anak with Iñigo. Napanood namin ang nasabing episode at napakanatural ng kanilang chemistry. Habang kumakanta-naggigitara si Angelina, titig na titig sa kanya ang unico hijo ni Papa P. Ilang beses na nai-close-up ang binata na wari’y smitten sa charm ni Angelina.

Kaya’t ang tweet ni Shine, “Thanks sweeties for appreciating my princess. Nag-trending pa sila ni Inigo sa twitter. Salamat po! #proud mom.”