PANGUNGUNAHAN ni Puerto Princesa City Mayor Luis M. Marcaida III ang mga panauhing pandangal sa pagbubukas ng pinakahihintay na “Pilipinas International Beach Sports Festival” ngayong umaga sa Baywalk sa Puerto Princesa City, Palawan.

Isang makulay na opening ceremony, na tatampukan ng mayamang tradisyon ng sikat na island paradise, ang magsisilbing hudyat ng pagbubukas ng tatlong araw na kumpetisyon na nahahati sa dalawa: ang 2nd Pilipinas Open Water Swim at 4th Pilipinas International Beach Water Polo competitions.

“Handa na ang lahat.Ang buong Puerto Princesa City ay masayang naghihintay na sa simula ng kumpetisyon,” pahayag ni Mayor Marcaida.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Mga sikat na atleta mula United States, Canada, Russia, Uzbekistan, Malaysia, Hong Kong, China, Singapore at Philippines ang magtatagisan ng lakas at galing sa kumpetisyon na pinangangasiwaan ni dating water polo mainstay Dale P. Evangelista at sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang gaganaping Beach Water Polo event ay nasa ika-apat na serye na ngayon.

Ang water polo ay nilalaro sa piling beach resort na may 10m x 15m playing field at lalim na 2m. Ang bawat team ay binubuo ng tatlong field players at isang goal keeper sa loob ng playing field.

Ang bawat team ay lalaro sa dalawang bahagi na may tig walong minuto. Gaya ng ibang ball games, kailangang umiskor ng pinaka-madaming goals bawat koponan.

Ngayong taon, may 10 men’s teams at tatlong women’s teams ang magtutunggali para sa prestihiyosong tropeo

Sa men’s category, may kalahok na apat na international teams at anim na local teams.

Ang mga ito ay binubuo ng mga manlalaro mula USA, Canada, Russia, Uzbekistan, Malaysia, Hong Kong, China at Singapore.

Sa women’s category, may dalawang international teams mula Uzbekistan at Hong Kong, at isang local team.

Ang unang laro ng beach water polo event ay magsisimula ngayon ganap na alas-9 ng umaga.

Samantala, ang Open Water Swim event na unang ginanap sa Anvaya Beach at Nature Club nung nakalipas na taon na dinagdagan ng marathon swim event, ang 10km swim na gagawin sa ilalim ng FINA rules.

Ang mga kategorya ay ang 500m boys at girls ages 10 at under, 500m boys at girls ages 11 hanggang 13 years old, 2.5km boys at girls ages 14-17 years old, 5km men at women open sa lahat ng edad at 10km men at women open.