Dennis Trillo_optional photo copy

STAR-STUDDED na weekend treat ang nag-aabang sa mga Kapuso sa Cebu, Quezon, at Tarlac dahil magkakaroon ng mall shows sa kanilang lugar ang ilang Kapuso programs ngayong Sabado at Linggo.

Ang mga bida sa upcoming remake ng hit drama series na Impostora ay lilipad patungong Cebu bukas, Sabado (May 27).

Pangungunahan ni Kris Bernal ang Kapuso Mall Show sa South Town Centre kasama ang kanyang leading man sa serye na si Rafael Rosell at ang co-star nila na si Sinon Loresca.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kinabukasan (May 28), ang pinakabagong telefantasya series na Mulawin vs Ravena ang bibisita sa Lucena City, Quezon.

Mismong ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang magpapasaya sa mga manonood na dadalo sa Kapuso Mall Show sa SM City Lucena. Magpapakilig din ang Kapuso young actors at bida sa serye na sina Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix.

Sa Tarlac, tuwa at papremyo naman ang dala ng Wowowin hosts na sina Donita Nose, Amal, at Super Tekla. Ang mga Kapuso personality ang mangunguna sa “Will to Win” audition sa Magic Star Mall.