ISA sa mga tinalakay ang kakaibang hairstyle ni KZ Tandingan sa kanyang Soul Supremacy album launching at kung ginagaya raw ba niya ang famous singers na naka-dreadlock tulad ni Bob Marley.
“Kasi soul, it’s something that you cannot see, something that nararamdaman mo. It’s because of my braid,” paliwanag ni KZ.
“’Yung braids kasi, mga three years ago, I met an African sa Malaysia ‘tapos na-appreciate ko ang braiding as an art, na-appreciate ko ang braiding something na naging important sa society na parang you get to mingle with people since gagawin nila ‘yung buhok mo ng ganito kahabang oras.
“Sobrang tagal ko na po siyang gustong gawin, pero gusto lang sa tamang panahon. Kung mapapansin ninyo, everytime na magbabago ako ng buhok, merong nangyayari, concert ko, ‘yung Divas. Hindi ako nagbabago ng buhok kasi gusto ko lang magbago, it has to have a meaning everytime.”
Sa aming one-on-one interview sa kanya, itinanong namin kung magkano ang inaabot ng isang set ng buhok niya.
“Hindi po kasi available rito (Pilipinas), mahal po ang shipping. Pero ito po, ‘pinabitbit ko sa tatay ko kaya hindi ako nagpa-ship,” sagot ni KZ.
Ilang set na nito ang pagmamay-ari niya?
“Sa isang ulo parang kailangan po ng 8-10 pax. Puwede ko siyang magamit as long as nililinis po siya, like sina-shampoo rin po. At 11 hours pong bini-braid kasama ang totoong buhok, hairstylist ko po ang gumagawa,” kuwento ng singer.
Marami nang followers si KZ kaya kumikita ang halos lahat ng shows niya bukod pa sa mabenta rin siya sa corporate shows. May insecurities pa ba siya?
“’Pag nagpe-perform po ako, wala akong pakialam sa mga tao, pero offstage, siyempre meron pa rin. Kung baga, tina-try mong i-battle ‘yun, one day at a time, kasi siyempre ang dami-dami mong nakikitang... sana ganyan kahaba ‘yung legs ko, sana ganyan ako kaputi.
“Lalo na kapag nakikita ko si Liza (Soberano), sabi ko sa kanya, ‘lahat na lang, lahat na lang nasa ‘yo na,’ ganu’n po. Meron pa rin, tina-try kong i-accept kasi that’s who you are as a person kasi it makes you unique, it makes you who you are at kilala ako ng mga tao na pandak na bisaya na parang... luka-luka, tanggap ko na ‘yun.
“Compared dati, hindi na ganu’n kabigat sa akin na umiiyak ako na, ‘sino ba ‘yan, hindi ka bagay dito sa showbusiness’, ‘tapos ang liit ko, ganyan.
“Talagang umiiyak ako, lalo na ‘pag ASAP, performance-wise, feeling ko after, ‘ang ganda ng prod namin, ang saya, parang perfect lahat ng harmonies namin, ‘tapos pagbaba ko ng stage at pagbukas ko ng phone (social media) ang dami kong bashers dahil sa itsura ko, dahil pandak ako, dahil hindi ko kamukha ‘yung mga tao na normal nilang makikita sa television. So ngayon, natanggap ko na, you can’t please everybody.
“Ang tagal na n’yan na saying pero kung i-apply mo sa sarili mo, mahihirapan ka. As a person, gusto mong masaya ‘yung mga tao sa ‘yo, since we are people who are always in front of the camera na nakikita kami lahat ng mga tao, meron at meron talaga silang sasabihin, so iniisip ko na lang na I’m doing this for the people who believed in me.
“So kung anuman po ‘yung nakikita nila sa akin, ako ‘yun, eh. Bahala na sila, hindi naman sila ang nagpapakain sa akin,” pagtatapat ng petite singer.
Kung may mag-offer na pasukin niya ang pag-aartista, hindi raw niya tatanggihan.
“Lahat po ng paraan na puwedeng kumita, papatulan ko ‘yan. Pero seryoso po, about a year ago, nag-undergo ako ng acting workshop kasama ‘yung ibang Star Magic artists and na-appreciate ko ‘yung acting as an art and I hope na mabigyan ako ng pagkakataon, kasi I’d love to try acting. Pero siyempre, music pa rin po ‘yung (first love) ko. Pero ‘yun nga, every change I get, kailangan kong i-grab kasi hindi lahat ng chance ibinibigay sa ‘yo, ‘tapos tinatanggihan mo, bumabalik. At least hindi ako magsisisi na hindi ko ginawa ‘yung isang bagay,” nakangiting kuwento ng dalaga.
Hands-on si KZ sa lahat ng projects niya, pati sa production number nila sa ASAP at iba pang shows, kasama na ang recording ng kanyang Soul Supremacy abum.
“Si Sir Jon (Jonathan Manalo) talaga, alam niya kung gaano ako ka-hands on with the content of my production numbers, content of this album, kahit ‘yung areglo. Kasi my music represents me as a person, and if the moment comes na ilalaban o itutulak ko gagawin ko, so ganu’n ako as an artist, eh.
“As long as nandiyan sina Sir Jonathan para suportahan ako at ipaglaban ako sa lahat ng mga bagay na sinasabi ko.
Kasi hindi naman lahat ng tao nakikita kung ano ‘yung nakikita kaya sina Sir Jonathan nandiyan para ilagay ‘yung sarili nila sa shoes,” aniya.
Available ang Soul Supremacy album ni KZ sa lahat ng digital stores at record bars nationwide sa halagang P250.
(Reggee Bonoan)