ramirez copy

DAVAO CITY – Kabuuang 100 official mula sa 30 barangays sa Davao City ang nakiisa sa iba pang stakeholder sa ginanap na Barangay Sports Education ng Philippine Sports Commission (PSC) sa The Royal Mandaya Hotel dito.

Pangungunahan ni Liga ng mga Barangay president at Davao City Councilor January Duterte ang pagtanggap sa mga kalahok, habang ipaliliwanag ni PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey ang kahalagahan ng papel ng PSC at LGU’s sa pagsulong ng Barangay Sports Program na bahagi ng sports development agenda ng pamahalaan.

Tatalakayin ni Philippine Sports Institute (PSI) Davao del Norte coordinator Giovanni Gulanes ang Model LGU-Healthy and Functional Sports Program, habang bibigyan halaga ni Antonio Lumactod ang usapin sa Evolving Spirituality in Sports.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Magsasagawa naman ng workshop sa Barangay Sports Program sina Sports for Peace Core Group member Serge Opena, Gemima Valderama at Ed Fernandez .Pangungunahan ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang hanay ng mga sports official sa seminar na magsisilbing pre-event ng Summer Children’s Games 2017 – bahagi ng binuhay na Sports for Peace Program ni Ramirez.

Magsisimula ang laro ganap na alas-8 ng hapon sa Rizal Park.

Ang 30 barangay ay kumakatawan sa tatlong congressional district ng lungsod. Bawat koponan ay papayagang maglahok ng dalawang koponan sa boys 12-under 3-on-3 basketball at 12-under volleyball ay lalaruin sa Almendras Gym Davao City Recreation Center.

Hinimok ni Mildred Untalan, chief-of-staff ni Councilor Duterte, ang mga barangay na isama sa line-up ang mga out-of-school youth at kabataan na nagmula sa mga lalawigan na may kaguluhan sa pulitika.

Kabilang sa mga barangays na sasabak ang 2-A, 7-A, 23-C, 10-A, 27-A, 76-A Bucana, Catalunan Grande, Talomo Proper, Dumoy, Buhangin Proper, Indangan, Cabantian, Vicente Hizon, Vicente Duterte, Centro Agdao, San Antonio, Mahayag, Tibungco, Lasang, Tamayong, Baguio Proper, Marapangi, Dalag Lumot, Tamugan, Megcawayan, Mulig, Bantol, Biao Joaquin (Escuela) at Sto. Niño.