CABA, La Union – Naghain ang magulang ng isang mag-aaral sa Grade VI ng mga kasong pagmamaltrato, pang-aabuso, at perjury laban sa officer-in-charge ng isang paaralang elementarya sa bayan ng Caba sa La Union.

Inihain ni Ronalie Manarpaac, isang overseas Filipino worker at taga-Barangay Baccuit Norte, Bauang, ang nabanggit na mga kaso sa Office of Provincial Prosecutor laban kay Merliza Quinones Lozano, school head ng Liquicia Integrated School sa Caba town dahil sa pananampal sa 11-anyos niyang anak na lalaki noong Pebrero 17, 2017.

Nakasaad din ang reklamo ni Manarpaac sa Letter of Petition na ipinadala kina Department of Education-La Union Director Rowena Banzon, La Union 2nd District Rep. Sandra Eriguel, at Caba Councilor Igmedia Dugena.

Nakadetalye sa liham ang anila’y marahas na pagpaparusa ni Lozano sa mga estudyante sa nakalipas na mga taon, at pirmado ito ng 23 magulang na iginigiit na mapatalsik siya sa paaralan. (Erwin G. Beleo)

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga