BAUANG, La Union – Umabot sa P1 milyon ang halaga ng naabo sa dalawang pampublikong gusaling pampaaralan, kasama na ang ilang pasilidad at gamit, tulad ng mga libro at mahahalagang school records, makaraang masunog ang Sta. Monica Elementary School sa Bauang, La Union nang tamaan ng kidlat kahapon.

Sinabi ni Chief Insp. Joel Lagto, hepe ng Bauang Police, na bandang 3:00 ng umaga nang magsimula ang sunog makaraan ang malakas na ulan.

Ayon kay Lagto, nabatid sa imbestigasyon na nasapol ng kidlat ang gusali, bagamat nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pinagmulan ng sunog. (Erwin G. Beleo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol