bowling copy

HINDI lang pangarap, ngunit katotohanan ang kaganapan kina Kenzo Umali at Merwin Tan para tanghaling ‘future’ ng Philippine bowling.

Pinagbidahan nina Umali at Tan ang ratsada ng Team Philippines sa tatlong ginto at tatlong bronze medal sa 17th Asian Schools Tenpin Bowling Championships kamakailan sa Hong Kong.

“Successful bowlers before us, like Paeng Nepomuceno and Biboy Rivera, showed us that hard work and discipline are the key,” sambit ni Umali.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

“Their path to success was all hard earned. Each small victory motivates us to keep going,” ayon naman kay Tan.

Nakopo ni Umali ang unang gintong medalya sa Team Philippines sa naiskor na 1369 pin sa anim na laro para pagbidahan ang boys’ singles event kontra kina Hong Kong’s Alex Yu (1338) at Kuwait’s Mostafa Almousawi (1335).

Nakipagtambalan si Umali kay Tan sa boys’ doubles event para sa bronze medal tangan ang 2500 iskor.

Sa pakikipagtulungan nina Ivan Malig at Louis Cantorna, nakuha ng ROP ang team event gold laban sa HongKong at Chinese Taipei.

Sa nakuhang 3991 iskor, nakamit ni Tan ang ikatlong ginto para sa RP Team nang pagwagihan ang All Events.

Umani rin ng bronze ang Philippine Girls Team na binubuo nina Daphne Custodio, JeikaYutero, Noelle Campos at Grace Gella.