INIGO AT SOFIA copy

NAKAKAALIW basahin ang kinikilig na sagutan sa group chat ng fans nina Sofia Andres at Diego Loyzaga habang nakatutok sila sa panonood ng Pusong Ligaw.

Ang ibang hindi makapanood dahil may trabaho o nasa labas ay ina-update ng mga nanonood sa telebisyon.

Anyway, natutuwa kami kay Diego na finally ay unti-unti nang nakikilala na hindi nakakabit sa pangalan ng magulang na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Naalala namin na nakatikim siya ng talak sa sikat na direktor noong baguhan pa lang siya dahil sa pagkakamaling hindi naman niya kagustuhan kundi naging biktima lang siya ng taong nasa paligid sa taping.

Sinabihan siya ng kilalang direktor ng, “Who do you think you are? Hindi kita kilala, wala kang puwang dito.”

Mangiyak-ngiyak si Diego noon, pero sadyang mabait talaga dahil humingi pa rin siya ng dispensa sa direktor. Simula noon ay naging maingat na ang binata.

Napupuri na rin si Diego ng mga nakakatrabaho dahil marunong makisama.

Sa umeereng episode ng Pusong Ligaw ay mala-aso’t pusa sina Vida (Sofia Andres) at Potpot (Diego) na ikinaaaliw ng mga manonood.

Puro nakakaaliw at nakakatuwa ang mga komentong nababasa namin sa social media tungkol sa tambalan ng dalawa.

Panalo ang nag-aasaran na namang eksena nina Vida at Potpot sa CR. Sabi nga ng isang netizen, “Nakaka-good vibes sila! Sana mas marami pa silang mga ganitong eksena sa mga susunod na episode. Ang sarap mag-siesta kasama sina Vida at Potpot! Parang nabuhay uli ang tambalan nina Jericho (Rosales) at Kristine (Hermosa)!”

Hirit ng isa pang fan, “Kayo na talaga! Panalo! Hindi pilit ang kanilang pakilig sa audience. Natural na natural ang mga emote nila kaya we believe that there’s something na between the two of them!”

“Kapag nakikita ko ang mukha ni Sofia, nawawala ang pagod ko. Sarap yakapin at halikan! Baby Girl, akin ka na lang, hayaan mo na ‘yang si Potpot! Ututin naman ‘yan, e! Hahahaha! Joke!”

Bongga ang ratings nitong nakaraang Martes dahil umabot sa 19.7% ayon sa data ng Kantar Media. (REGGEE BONOAN)