MATTEO copy copy

PRANGKANG inamin ni Matteo Guidicelli na kasama sa life goals niya ang pag-settle down at magkaroon ng sariling pamilya. Pero hindi pa raw niya masabi kung mangyayari na ito soon or matatagalan pa.

Ayon kay Matteo nang makausap namin sa presscon ng kanyang iniendorsong Make It Mutual campaign ng Sun Life Asset Management Company Inc., natatawa na lang siya kapag naaalala niya ang sinasabi niya noong 18 years old siya na pagtuntong niya ng 27 ay mag-aasawa na siya.

“We’ll see. You know, sometimes life tackes you in different paths, doors open at different angle here and there,” sabi ng athlete/aktor/TV host.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Binanggit din niya ang relationship goals nila ni Sarah Geronimo.

“Siyempre, you know, all of us, we’re all planning that one day, we would like to get married, one day we’d like to tie the knot and we’d like to move our lives in the next chapter, to open up our own families and have our own home and have our own children in the future,” aniya.

Gusto niyang sundan ang mga yapak ng parents niya pagdating sa pag-aasawa.

“My dad came to the Philippines 30 years ago with not even 500 pesos in his pocket, kaya talagang he climbed the ladder. He was riding a motorcycle around Cebu looking for product to sell and to export back to Italy.

“So ngayon, I’d like to climb my own ladder too from zero, from how I started in showbiz around 16 years old till today. So I’d like to climb and hopefully all those life goals are achieved along the way,” lahad pa rin ng boyfriend ni Sarah.

Hindi makasagot ng diretso si Matteo nang tanungin kung nakabili na ba siya ng engament ring for Sarah or pinag-iipunan pa rin ba niya iyon hanggang ngayon.

“Hindi ko pa alam, eh. Wala akong maisasagot diyan. Actually, alam ko, pero secret na lang. Pero ‘yun, we’ll see. But all these life goals are all very realistic to me. What you saw there (video blog na may ipinakitang life/relationship goals niya) is something very realistic to me, it’s something I’d really want, hopefully achieve them in the future,” lahad ni Matteo.

Sa tatlong taong pagiging endorser ni Matteo ng Sun Life, napakarami na niyang natutuhan sa financial management lalo na kung paano at kung saan dapat i-invest ang mga pinaghihirapan niya sa tapings, shootings, endorsements at iba pang mga karaketan sa showbiz.

Ipinaliwanag niya na malaki rin ang maitutulong ng “Make It Mutual” campaign ng Sun Life sa lahat, huh!

Samantala, pagkatapos ng presscon ni Matteo ay hindi sinasadyang may nakausap kaming taong malapit sa kanya at kay Sarah Geronimo na nagsabing kung si Matteo lang ang masusunod ay kasal na sana ang dalawa ngayon.

Sey pa ng aming source, hanggang ngayon daw kasi ay may napakalaki pang hadlang sa pagmamahalan nina Matteo at Sarah.

(JIMI ESCALA)