KRIS copy

NGAYONG araw tutuntong sa edad na 28 si Kris Bernal na magsisimula na rin ng promo ng kanyang bagong afternoon prime soap na Impostora na malapit nang mapanood sa GMA-7. Lumabas din siya sa isang men’s magazine at ipinakita ang kanyang katawan.

Bakit after eight years na iniimbita siyang magi-cover sa men’s magazine, ngayon lang siya pumayag?

“Iyon na nga po, 28 na ako sa birthday ko at hindi naman ako p’wedeng maging forever na lang pa-tweetums,” sagot ni Kris. “Nag-try ako noong mag-post sa social media na naka-swimsuit, at hayun, muli silang nag-offer sa akin na mag-pose sa kanila. Hindi muna ako sumagot, tinanong ko muna ang parents ko at ang GMA Artist Center. Sabi nila, nasa right age na ako, mature na nga, at right time na, kaya pumayag na sila. Pero pagkatapos ng pictorial, pumili na ako ng gusto kong pose pero pumili pa rin sila at sila ang may last say kung aling mga photos ang ilalabas sa magazine.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

“One week lang ako nag-prepare para sa pictorial, kaya crash diet ako at sabi ng ibang tao, masyado raw akong payat, so na-bash nila ako. Eh, ganito talaga ng frame ko, 5’1” lang ang height ko at ang ideal weight ko is 100 lbs, tumaba pa nga ako ngayon dahil 105 lbs ako, kaya mali ang mga bashers na underweight ako. Dedma na lang ako sa mga nagsasabi na payat ako dahil malakas akong kumain, at confident ako with myself, wala akong dapat ikatakot na ganito talaga ang katawan ko.”

Kaya na niyang magpa-sexy, at meron siya nito sa ilang eksena ng Impostora, ang sexiest scene na nagawa niya sa pagganap sa kanyang dual role sa soap. Kung sa original ay dalawa ang gumanap sa roles ng kambal, sa kanyang bersiyon ay gagampanan niya ang mabait pero pangit na si Nympha at ang mataray na si Rosette.

“Si Nympha ang nilagyan ng prosthetics, two hours akong nilalagyan ng make-up na two hours din kung tanggalin. Pero mas hirap akong gampanan ang role ni Rosette na mayaman, elegant, sophisticated, nananakit ng ibang tao, eh, hindi ako sanay sa mga ganoong role dahil lagi na lang akong mahirap at api-apihan sa role na ginagawa ko kaya para sa akin, very demanding ang role ko rito bilang isang bida at kontrabida.

“Pinag-aralan ko talaga ang role ni Rosette, pinag-aralan kong iba-ibang ang character ng bawat isa. Salamat na lamang at pawang mahuhusay ang mga kasama ko sa soap, kaya tinutulungan nila ako sa mahihirap na eksena.”

Kasama ni Kris sa Impostora sina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Elizabeth Oropesa, Assunta de Rossi, Vaness del Moral, Aicelle Santos at Sinon Loresca, mula sa direksiyon ni Albert Langitan. (NORA CALDERON)