Combined forces of the Armed Forces of the Philippines and the P

Wala nang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bohol kasunod ng pagkasawi sa bakbakan ng natitirang bandido sa isla ng Panggangan sa bayan ng Calape nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Chief Supt. Noli Taliño, director ng Police Regional Office (PRO)-7, ang huling napatay na miyembro ng Abu Sayyaf na si Abu Asis, na napaslang may 100 metro ang layo mula sa lugar ng labanan nitong Lunes kung saan unang napatay ang kasamahan niyang si Abu Ubayda nang araw din na iyon.

“With the death of last two remaining ASG members, Bohol is now considered cleared of ASG elements,” sabi ni Taliño.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Ayon kay Taliño, matapos mapatay si Ubayda ay tumakas si Asis ngunit natunton siya ng mga awtoridad habang patungo sa Barangay Lawis sa Panggangan.

Sinabi ni Taliño na pinili umano ni Asis na makipagbakbakan sa mga pulis at sundalo hanggang sa tuluyan itong mapatay. Nasamsam sa kanya ang isang .45 caliber pistol na may apat na bala.

Matatandaang nitong Lunes ng umaga ay namataan sina Asis at Ubayda sa Bgy. Cahayag kung saan tinangka nilang bihagin ang isang residente.

Sina Ubayda at Asis ay kabilang sa 11 miyembro ng ASG na sumalakay sa bayan ng Inabanga sakay sa tatlong bangkang de-motor upang magsagawa ng pagdukot sa mga dayuhang turista, sa pangunguna ng ASG sub-leader na si Abu Rami.

Apat ang kaagad na nasawi, kabilang si Rami, sa bakbakan sa Inabanga. Apat na bandido pa ang napatay sa sagupaan sa Clarin, habang nadakip ang ikasiyam ngunit napatay matapos magtangkang tumakas.

Dahil din sa pagdayo ng ASG sa Bohol ay nabunyag ang pakikipagsabwatan sa mga terorista ni Supt. Maria Christina Nobleza, na naaresto kasama ang asawa niyang bomb expert ng ASG na si Rennour Lou Dungon, habang tinatangkang iligtas ang mga bandidong nasugatan sa engkuwentro sa Clarin. (Aaron Recuenco at Fer Taboy)