Anya1 copy

LUMAGDA sina Anya Taylor-Joy at Maisie Williams para magbida sa X-Men spinoff na pinamagatang New Mutants, ang ensemble, young adult, super hero movie, ayon sa ulat ng TheWrap.

Ididirehe ni Josh Boone, magsisimula ang shooting ng New Mutants sa Hunyo. Ang script nito ay isinulat ni Boone at ng kanyang writing partner na si Knate Gwaltney.

Ang New Mutants ay nilikha nina Chris Claremont at Bob McLeod noong early 1980s at naging unang comic spinoff ng X-Men.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Magiging tema ng New Mutants ang angst-driven adventures ng iba’t ibang kabataan na kinabibilangan ng Native American na si Danielle Moonstar, Scots girl na si Wolfsbane, Brazilian ladies man na si Sunspot, Kentuckian code-named Cannonball, at Russian teen na si Magik. Makakasama rin ng grupo ang alien na si Warlock.

Si Anya ang gaganap bilang Magik, isang babaeng natuto ng sorcery at gumagamit ng teleportation discs para bumiyahe. Kapatid siya ni Colossus, na lumabas sa Deadpool.

Gaganap naman si Maisie bilang si Wolfsbane, isang babae na nahihirapang i-reconcile ang kanyang religious beliefs sa kanyang kapangyarihan na mag-aanyong wolf.

Nakilala si Anya sa 2015 award-winning period horror movie na The Witch at nagbida sa M. Night Shyamalan hit na Split.

Sumikat naman si Maisie sa pagganap bilang Arya Stark sa Game of Thrones, na magsisimula na ang seventh season sa Hulyo.

Ipapalabas ang New Mutants sa mga sinehan sa Abril 13, 2018. (The Wrap)