Spain Tennis Madrid Open

MADRID (AP) — Patuloy ang ratsada ni Rafael Nadal – sa clay court.

Nakopo ng Spanish tennis star ang ikatlong sunod na titulo bago ang French Open nang gapiin si Dominic Thiem ng Austria, 7-6 (8), 6-4 nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Madrid Open.

Naisalba ni Nadal ang matikas na pakikihamok ng ninth-ranked na si Thiem tungo sa ika-15 sunod na panalo para pantayan ang record 30 career title sa Masters 1,000 event ni Novak Djokovic.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Nakolekta ni Nadal ang ika-72 career title, kabilang ang 52nd sa clay. Umusad din siya sa ikaapat mula sa ikalima sa ranking laban kay Roger Federer.

“To try to win Roland Garros, you don’t need to be No. 4 or No. 1 or No. 5, what you need is to play tennis very well,” pahayag ni Nadal.

“I don’t think it changes a lot for me. What I’m really happy about is to achieve a title like this here in Madrid. I see myself being able to win important titles and achieve my goals.”

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Nadal sa finals laban sa 23-anyos na Austrian. Nagkaharap din sila sa finals ng Barcelona Open sa nakalipas na linggo. Nasubi rin ni Nadal ang Monte Carlo nitong Abril.

“These last few weeks have been very special. I’m very happy for what I achieved. It means a lot to me to win at home, it’s always a special place for me,” sambit ni Nadal.

Ito ang ikalimang Madrid Open title ni Nadal. Nagwagi siya rito noong 2005, 2008, 2010 at 2013.