DERRICK copy

NAKATAAS na ang billboard ng Mulawin vs Ravena sa harap ng GMA Network fronting Timog Avenue, Quezon City. Siguradong tuwang-tuwa ang cast tuwing namamataan ito, lalo na sina Derrick Monasterio at Miguel Tanfelix na tuwang-tuwa at sobrang excited na kahit teaser pa lang ng fantaserye ang ipinalabas.

Si Derrick nga, agad ipinost ang billboard sa Instagram at nilagyan ng caption na, “Can’t believe that the biggest telefantasya of GMA will be aired 2 weeks from now!”

Ginagampanan ni Derrick ang role ni Almiro, anak nina Aguiluz at Alwina (Heart Evangelista). Hindi na niya makikilala si Aguiluz dahil namatay na ang karakter nito sa unang Mulawin, kaya si Alwina na lang ang makakasama niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Dati kinakanta ko lang ang theme song ng Mulawin, ngayon, kasama na ako sa cast, kaya tuwang-tuwa ako. Sa una kong paglipad, nanibago ako dahil hindi ako nagha-harness, dito lang sa Mulawin vs Ravena. Excited na ako sa pilot namin sa May 22,” banggit ni Derrick.

Si Bea Binene bilang si Anya ang makakatambal ni Derrick sa Mulawin vs Ravena at sabi nito, pinu-push na ng GMA-7 ang love team nila dahil sila lagi ang magkapareha sa mga ginawa nilang shows. Ang pinakahuli ay ang Tsuperhero na naka-costume rin siya. (NITZ MIRALLES)