MOCHA copy

MAY sagot na si Mocha Uson sa series of tweets ni Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon na kumukuwestiyon sa kakayahan niyang gampanan ang trabahong ibinigay sa kanya ni Pres. Rody Duterte bilang assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office.

Pero sa halip na magalit kay Mariel, isang mapagkumbabang Mocha ang sumagot ng, “Sorry po, Bb. Pilipinas @mariaangrlicadl I’ll take note po of your tweets at pagbubutihin ko po para sa bayan at para sa ‘yo. Salamat po, ma’am.”

Para sa ibang nakarinig at nakabasa sa sagot ni Mocha kay Mariel, sarcastic ang dating nito. Sarcastic man o hindi, at least, nag-react pa rin si Mocha.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang hindi pa sinasagot ni Mocha ay ang tweet ni G Toengi na isa rin niyang critic, na ang sabi, “You can now be assured that propaganda & online hate will be spread at an alarming rate with @MochaUsonOFC in Malacañang #Alternativefacts” at “Uson & Andanar, now in cahoots to spread #fakenews in this current administration! No credentials or qualifications!” (Nitz Miralles)