SEOUL (Reuters) – Sinabi ng Hyundai Motor Co. at Kia Motors Corp. kahapon na ire-recall o ipababalik nila ang 240,000 sasakyan mula South Korea matapos maglabas ang transport ministry ng compulsory recall order kaugnay sa safety defects na ibinuko ng isang whistleblower.

Hiniling din ng ministry sa prosecutor na imbestigahan kung pinagtakpan ng mga automaker ang limang depekto, na nakaapekto sa 12 modelo, kabilang ang Elantra, Sonata, Santa Fe at Genesis.

Ito ang unang pagkakataon na iniutos ng ministry ang compulsory recall ng mga sasakyan ng Hyundai at Kia, at naganap matapos tumanggi ang mga automaker sa naunang kautusan na voluntary recall, sa katwirang na wala namang panganib sa pagmamaneho ang mga depekto.

Maaapektuhan ng recall ang 1.5 milyong sasakyan na nitong nakaraang buwan ay inialok ng Hyundai at Kia na ayusin sa South Korea at United States dahil sa posibleng paghinto ng makina.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na