Sam Milby 1 copy

HINDI pa rin talaga showbiz si Sam Milby. Kahit may girlfriend na siya, si Mari Jasmine, hindi siya tulad ng ibang artista na paiwas kung sumagot tungkol sa dating nakarelasyon.

Sinagot pa rin niya nang diretsahan ang tanong ni Manay Ethel Ramos kung ano sa mga kanta niya sa Sam: 12 album ang dedicated niya para sa kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis na ikakasal na sa fiancé nitong si Erwan Heussaf sa Nobyembre.

“Tunay na Pag-ibig,” sagot agad ni Sam na dinugtungan ng, “kasi nahanap na niya ‘yung true love.”

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Nagkabiruan na akala raw nila ay ‘Di Kita Minamahal na ikinatawa ng singer/actor na nagbiro ng, “Actually, dapat Balang Araw Makakalimutan Kita.”

Pinasalamatan ni Manay Ethel si Sam sa pagiging honest niya sabay sabi sa mga katoto ng, “Hindi pa rin niya nakakalimutan si Anne.”

Hirit namin, ‘Matagal nang nakalimutan, Manay, may girlfriend na nga, si Mari Jasmine, ang ganda-ganda.’

“Maski na maganda, iba pa rin ‘yung love mo,” sagot ng dean of entertainment writers.

‘Kaloka si Manay Ethel, ginagawan ng isyu si Sam, ha-ha-ha.

Hindi nga naman maitatanggi na natagalan bago nagkaroon ng girlfriend si Sam pagkatapos nilang maghiwalay ni Anne.

Nagkatawanan din ang lahat nang mapag-usapan ang Last Goodnight na huling kantang ini-record ni Sam para sa album.

Ayon kay Jonathan Manalo, ang sumulat ng kanta na co-producer din ng Sam: 12, bagay kay Sam ang kanta dahil tungkol ito sa ‘one-night stand’.

“Bakit ako?” nanlaki ang mga matang reaksiyon ni Sam, at natawang dugtong, siguro, kasi ikaw nakaisip ng kanta. Never naman ako nakipag-one night stand,” mariin pang sabi ng binata.

Dapat pala ay limang kanta lang ang laman ng album ni Sam, pero habang pinakikinggan nila ang ibang bagong kanta ay nagandahan sila ni Jonathan kaya nagdesisyon silang i-record na lahat.

“Kasi, actually, si Sam kasi is a co-producersa album, nagsimula kaming makinig ng ilan lang ‘tapos si Moira (de la Torre) nag-contribute rin ng songs, ‘tapos towards the ends nadagdag ‘yung Chasing Cars. ‘Yung Last Goodnight, actually gift ko kay Sam (hindi nagpabayad), sabi ko, ‘O, Sam, ‘dagdag mo na ‘tong track na ‘to, ako na bahala.

‘Tapos ‘yung Game Over, last contribution.

“So sabi ko, ‘I-full album na natin kasi napakaganda ng mga songs na pumasok sa project.’ Si Sam naman may power naman to make decisions kasi co-producer naman siya sa album, so we decided to make it full length,” kuwento ni Jonathan.

Nabanggit din ni Jonathan na halos buwan-buwan ay naglalabas ng album ang Star Music.

“Siguro very safe to claim na ang Star Music na ang most prolific na local recording company, kasi Star na lang ‘yung consistently nakakapag-release ng album every month. Nago-Gold naman, nakakapag–Platinum pa, and maganda naman ‘yung traction niya sa digital flatform, so confident naman kami na nasu-sustain naman ‘yung mga project,” sabi ng Star Music exec.

At kaya Sam: 12 ang titulo ng album dahil ipinagdiriwang ni Samuel Lloyd Milby ang kanyang 12th anniversary sa showbiz simula nu’ng lumabas siya sa Pinoy Big Brother Season 1 noong December 2005.

“Ang hirap talagang magtagal sa showbiz, lalo na ngayon ang daming bago,” sey ni Sam. “Lalo na ‘pag nag-a-ASAP ako, hindi ko kilala ang mga bata.”

Natatawa na nga raw siya kapag may tumatawag na sa kanya ng ‘kuya at ‘tito’.

“When I started kasi, ako ‘yung, ‘hello, tito,’ ‘hello, kuya, ate,’ ‘tapos ngayon ‘Kuya Sam, Tito Sam’. Ang bilis ng panahon. Ako na ang kuya’t tito.”

Ngayong kinikilala na siyang senior, ano ang maipapayo niya sa mga baguhan?

“Enjoy the journey. I feel that the younger generation ngayon, they really get so tied into sa showbiz, sense of worth sa social media. And ako, I try to veer way, kasi sometimes you get so affected sa mga comments, sa mga bashers. Don’t put your self-value as a person sa mga comments and where you are in your career.

“You learn to love yourself and not on what people would say or what people think in their comments. Also to give back to the people, they’re the reason why you’re in showbiz.”

Malaki ang pasasalamat ni Sam sa PBB dahil dito siya unang nakilala’t sumikat at siyempre sa supporters niya na hindi siya iniiwan.

“Nagpapasalamat ako with my fans. They’re still here till now and when I see them they’re still, like, ‘Alam mo, Sam, hindi ka nagbago.’ And that makes me feel really good na they feel I’m the same person when I started,” pahayag ng Rockoustic Heartthrob.

Hindi talaga nagbago ang ugali ni Sam, hanggang ngayon ay mapagpakumbaba pa rin siya.

Nararamdaman ito ng fans niya na hindi rin nagbabago ang paghanga sa kanya. Katunayan, sold out ang album niya sa launch sa Eastwood City nitong nakaraang Linggo. Sa susunod na Linggo (Mayo 14), nasa Venice Piazza Grand Canal Mall naman siya para sa ikalawang mall tour ng Sam: 12.

Ang mga awiting laman ng Sam: 12 album ay Virus (bagay ng OST ng Bond movie); Who’s That Girl (carrier song); Balang Araw (duet with KZ Tandingan); Bulag sa Pag-Ibig; Tunay na Pag-ibig; Di Kita Minamahal; Game Over; Chasing Cars at Last Goodnight. (REGGEE BONOAN)