Ang mga batang na-bully o tinakot at inapi noong nasa fifth grade ay mas malaki ang posibilidad na ma-depress at mag-eksperimento sa droga at alak sa kanilang pagbibinata o pagdadalaga kumpara sa kanilang mga kaedad na hindi nabiktima ng ibang bata, ayon sa isang pag-aaral sa U.S.
Sinundan na mga mananaliksik ang umaabot sa 4,300 estudyante simula fifth grade, noong sila ay 11 anyos. Pagsapit sa tenth grade, 24 porsiyento ng kabataan ay umiinom ng alak, 15% ang humihitit ng marijuana, at 12% ang naninigarilyo.
Ang mas madalas na physical at emotional bullying sa fifth grade ay iniugnay sa mas mataas na posibilidad ng depression pagsapit sa seventh grade, na iniuugnay naman sa malaking posibilidad para gumamit ng droga sa pagbibinata at pagdadalaga, natuklasan sa pag-aaral.
“We drew on the self-medication hypothesis when trying to understand why peer victimization may lead to substance use over time,” sabi ng lider ng pag-aaral na si Valerie Earnshaw, human development at family studies researcher sa University of Delaware sa Newark.
“This suggests that people use substances to try to relieve painful feelings or control their emotions,” saad sa email ni Earnshaw. “So, youth who are bullied feel bad, or experience depressive symptoms, and then may use substances to try to feel better.”
Para sa pag-aaral, siniyasat ng mga mananaliksik ang mga datos sa tatlong survey na isinagawa, simula 2004 hanggang 2011, sa mga estudyante sa Houston, Los Angeles at Birmingham, Alabama.
Hindi controlled experiment ang pag-aaral at posible na ang kabataang na-bully ay maaaring bumalik sa pag-inom ng alak kalaunan o gumamit ng droga dahil ang kanilang mga barkada ay gumagawa rin nito, ayon kay Bonnie Leadbeater, psychology researcher sa University of Victoria sa Canada.
“Being ‘trapped’ in these networks can be particularly problematic in high school, where you see the same people every day,” sabi ni Leadbeater, hindi kasama sa pag-aaral, sa isang email.
“Youth with multiple networks beyond school through sports, music, art, religious activities, volunteering and work are more apt to find friends and others who see their talents, strengths and abilities,” dagdag ni Leadbeater. “These strengths are often established in late elementary school.”
Ang problema sa bullying na nauuwi sa mga problema sa pag-iisip ay ang mga kabataang may depression at anxiety ay mas malaki ang tsansang lumayo sa kanilang mga kaedad at mawalan ng interes sa maraming bagay.
“Young teens need to have ways of dealing with peer conflict before it becomes bullying,” Leadbeater said. “Young teens need to believe that getting help is normative and that bullying is not.” (Reuters Health)