Teresa copy

FOR good na pala ang paninirahan sa Pilipinas ni Ms. Teresa Loyzaga dahil nag-resign na siya bilang flight attendant sa kilalang airline company sa Australia para makasama ang anak na si Diego Loyzaga.

May cameo role si Teresa sa Pusong Ligaw na isa si Diego sa cast.

Magkakaroon kaya ng eksena ang mag-ina? Natatandaan kasi namin ang sinabi nila noon na gustung-gusto nilang makatrabaho ang isa’t isa.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

At ‘pag nagkataon, baka makaeksena rin ni Teresa ang girlfriend ng anak na si Sofia Andres na leading lady ng anak sa naturang serye.

Anyway, sa sinusubaybayang kuwento ng Pusong Ligaw ay nalasing si Vida (Sofia) kaya muntik na itong ma-rape ni Nathan (Marco Gumabao). Ang masama, may basbas pala ito ng mommy ni Vida na si Marga (Bianca King) dahil boto ito na maging boyfriend ng anak ang mayamang lalaki at magagamit sa negosyo nila.

Hindi kayang sikmurain ni Vida ang gusto ng ina kaya naglayas siya ng bahay. Kaya inaabangan ng viewers ang pagkikita nina Sofia at Diego.

Nakakadalawang linggo pa lang ang Pusong Ligaw pero usap-usapan na ito ng mahihilig manood ng serye sa hapon at nagtala na ng 19.3% sa Kantar Media, ang highest so far ng nasabing serye.

Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime. (Reggee Bonoan)