Liza (1) copy copy

ILANG oras pagkatapos ng dayalogo ng producers at ng Metro Manila Film Festival executive committee, nakatanggap kami ng tawag mula sa ilang producers na may tumawag daw sa kanila mula sa opisina ni Ms. Liza Diño, Film Development Council of the Philippines (FDCP) at pinagsa-submit sila ng kanilang entries para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa Agosto 16-22, 2017 at ang deadline ng submission ay sa Hunyo 15.

Medyo naguluhan kami dahil miyembro ng MMFF execom si Ms. Liza Dino, pero bakit parang uunahan niya ang Metro Manila Film Festival sa Disyembre? Hindi ba conflict of interest ito, Bossing DMB?

Hindi naging successful ang project din ni Ms. Diño na CineLokal festival na ongoing ngayon sa lahat ng SM cinemas dahil halos walang nanonood, puro luma ang pelikulang kasali kaya ‘yung iba ay napanood na sa DVD. Nagtanong kami sa mga takilyera kung may nanonood ba pero hindi raw kumikita.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

May isusunod na kaagad na Pista ng Pelikulang Pilipino sa Agosto, gaano kasigurado na marami nang manonood nito at hindi malulugi ang producers? Dapat ding ikonsidera kung may pera pa ba ang mga tao gayong buwan na ng enrollment ng ibang schools at bayaran naman para sa ikalawang semester ng iba.

Hindi katulad ng Metro Manila Film Festival tuwing Disyembre na maraming pera ang mga tao dahil sa Christmas bonus at kaya may ipon din ang mga bata mula naman sa mga napamaskuhan nila.

Anyway, bukas ang pahinang ito para sa panig ni Ms. Liza Diño. (Reggee Bonoan)