Julia, Joshua, Antonette copy copy

MAY gagawin palang bagong pelikula ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto na si Antoinette Jadaone ang director.

Nag-look test na ang dalawa at any day now, magsisimula na siguro silang mag-shooting ng Star Cinema movie.

Ipinost ni Julia sa social media ang picture nila nina Joshua at Direk Tonet at ang caption ay, “Reuniting with my Vince for another film under the direction of Direk Antoinette Jadaone.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nakakaintriga ang relasyon nina Joshua at Julia dahil parang hindi na lang magka-love team. Sa isang photo nila sa Instagram account ni Joshua, ang caption ay, “My Queen” at sa rami ng likes na umabot na sa 91,865, obvious na marami ang fans ng dalawa na boto sa tambalan nila, hindi lang bilang magka-love team kundi real life couple na rin.

(Nitz Miralles)