TARGET ng Barangay Ginebra na dugtungan ang five-game winning run sa pakikipagtuos sa Rain or Shine sa tampok na laro ng double header sa 2017 OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.

Makakaharap ng Kings ganap na 7:00 ng gabi ang Paint Master, matapos ang laban sa pagitan ng sister team San Miguel Beer kontra NLEX sa 4:15 ng hapon.

Naungusan ng Kings ang Alaska Aces nitong Linggo, 103-102, sa pangunguna ni import Justin Brownlee na nagposte ng 37 puntos kabilang ang three-point play sa nalalabing 7.2 segundo ng laro

Sasabak ang Kings na wala ang big man na si Japeth Aguilar habang wala naman sa panig ng Elasto Painters ang slotman na si Raymund Almazan na kapwa bahagi ng Gilas Pilipinas na naghahanda sa SEABA Championships na magsisimula sa Biyernes Araneta Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa panig ng ROS, tatangkain nilang umangat mula sa kinalalagyang ikalimang puwesto hawak ang patas na markang 5-5.

(Marivic Awitan)