Manu Ginobili,James Harden

Ginobili at Green, bumida sa Spurs sa krusyal Game 5.

SAN ANTONIO, Texas (AP) — Wala na ang maalamat na si Tim Duncan at napilitang ipahinga ang pambatong si Kawhi Leonard, ngunit may nalalabi pang alas ang San Antonio sa krusyal na sandali at hindi matatawaran ang kapasidad ng dalawang beteranong Spurs.

Ratsada si Danny Green sa naiskor na 16 puntos, tampok ang pito sa overtime, ngunit ang tatlong krusyal na play ni Manu Ginobili, kabilang ang supalpal kay James harden sa buzzer ang nagsalba sa Spurs sa 110-107 panalo at 3-2 bentahe sa kanilang Western Conference semifinal nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Hataw si Leonard sa nakubrang 22 puntos at 15 rebound, ngunit hindi na nakalaro sa overtime bunsod nang injury sa kanang paa matapos matapakan ang paa ni Harden may 5:37 ang nalalabi sa third period.

Sa kabila ng pagkawala ni Leonard, hindi nawalan ng kumpeyansa ang Spurs at makipagsabayan ng pagpuntos sa Rockets sa extra period.

Huling nakalamang ang Rockets sa 104-101 mula sa three-point shot ni Patrick Beverley may dalawang minuto ang nakalipas sa overtime.

Naisalpak ni Green ang go-ahead three-pointer, na nasundan ng isang jumper at nakumpleto ang three-point play para sa 110-107 bentahe ng Spurs may 30.1 segundo ang nalalabi. Ang dalawang malaking opensa ng Spurs ay naganap mula sa assist ni Ginobili.

Sa huling opensa ng Rockets may pagkakataon ni Harden na maipuwersa ang laro sa second overtime, subalit napigilan siya ni Ginobili, tulad niya isang lefty player, sa buzzer.

Ratsada si Harden sa naiskor na 33 puntos, 10 rebound at 10 assist.

Nakatakda ang Game 6 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Houston.

“It was a risky play, but it was risky to let him shoot, so I took my chances,” pahayag ni Ginobili.

Hindi naman naitago ni Spurs coach Gregg Popovich ang pagkabilid sa performance ng kanyang veteran sixth-man na tumapos ng 12 puntos, pitong rebound at limang assist.

“Manu reached back and gave us one of his Manu performances from past years. He was a stud,” sambit ni Popovich.