ANG pinakamalaking gabi sa mundo ng musika ay magtutungo sa New York sa susunod na taon pagkatapos ng mahigit isang dekadang pananatili sa Los Angeles, sabi ng organizers hinggil sa taunang Grammy Awards nitong Martes.

Magaganap ang 60th Grammy Awards sa Enero 28 sa Madison Square Garden arena ng Manhattan, na huling pinagdausan ng seremonya noong 2003, pahayag ng Recording Academy at CBS Corp, ang nagpapalabas sa live event.

Ang paglipat sa New York ng prestihiyosong okasyon, na ginanap sa Staples Center sa downtown Los Angeles nitong nakaraang 14 na taon, ay isinulong ni Mayor Bill de Blasio, saad sa pahayag. Ayon dito, inaasahang magpapasok ang show ng $200 milyon sa ekonomiya ng lungsod.

“Playing host to the music industry’s marquee awards show is a unique creative, artistic and economic boon to the rich cultural fabric of our city,” saad sa pahayag ni de Blasio.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang announcement ay sinamahan ng short film na idinirehe ni Spike Lee, at ipinakita niya at ng New York musicians kabilang na sina Cyndi Lauper at Tony Bennett ang musical history at venues ng lungsod. (Reuters)