NAKUMPLETO ng De La Salle ang nine-game sweep upang makamit ang titulo sa pamamagitan ng 3-1 panalo kontra University of Santo Tomas sa finals ng UAAP Season 79 women’s football tournament nitong Linggo sa Rizal Memorial Football Stadium.
Maliban sa nine-game sweep, nagawa rin ng Lady Archers na wakasan ang kanilang pitong taong pagkauhaw sa titulo.
“It’s surreal. Grabe, all the hardwork, I can’t even put into words. I’m so happy, I’m so proud of everyone,” pahayag ni goal keeper Inna Palacios.
Matapos ma-foul si Chelo Hodges sa loob ng box sa stoppage time, si Palacios, ang siyang nagsagawa ng penalty kick na siyang sumiguro ng panalo para sa De La Salle.
Unang umiskor si Kyra Dimaandal nang ipasok into ang kanyang ika-11 goal sa season sa ika-57 minuto paglalaro para sa Lady Archers bago naitabla ni Hazel Lustan ang laban pagkaraan ng 16 minuto para sa Tigresses.
Galing naman kay Sara Castañeda ang go ahead goal para sa Lady Archers sa ika-83 minuto.
“It’s about time. The girls deserve this considering what I said before that we’re not a complete team, healthy team.
And with the aninjuries and everything there and coming out champions with with a perfect season, what else can I say?,” wika ni De La Salle coach Hans Smit.
Tinanghal si Kyla Inquig bilang season MVP habang si Dimaandal ang napiling Best Striker mula sa hanay ng Lady Archers kasama sina Palacios (Best Goalkeeper), Castañeda (Best Midfielder) at Regine Metillo (Best Defender).
Napili naman si Marie Indac ng UST bilang Rookie of the Year. (Marivic Awitan)