SA kanyang sophomore season sa liga, nagpamalas ng kakaibang husay at maturity para sa isang beteranong player si Baser Amer.

Nagtala ang dating San Beda star ng 20 puntos mula sa 8-of-11 shooting, bukod sa tatlong assist, upang pamunuan ang Meralco Bolts sa 81-66 paggapi sa Phoenix Fuel Masters.

Dahil sa panalo,umangat ang Meralco sa solong pamumuno taglay ang 7-1 marka na nagpalakas ng tsansa nilang makamit ang isa sa nakatayang twice-to-beat incentives papasok ng playoffs.

Sinasanay ng PBA veteran Jimmy Alapag, ngayo’y isa na sa mga Meralco’s assistant coaches, naging bahagi si Amer ng nakaraang PBA All Star dulot ng kanyang itinalang career-best na 16.5 puntos, 5.12 rebound at 4.25 assist sa PBA Commissioner’s Cup.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil sa ipinamalas ng 24-anyos na si Amer nahirang siya bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa Mayo 2-7.

Tinalo niya para sa lingguhang citation sina TNT forward Kelly Williams, Star guard Paul Lee, Mahindra new recruit Reden Celda, Ginebra guard Scottie Thompson, Blackwater guard Mike DiGregorio, Phoenix veteran RJ Jazul at teammate na si Chris Newsome. (Marivic Awitan)