PINASAYA ni Nicki Minaj ang kanyang mga tagahanga sa pag-aalok na bayaran ang kanilang gastusin sa kolehiyo.

Nag-post ng mensahe sa Twitter ang Anaconda hitmaker nitong Sabado upang i-promote ang paligsahan, na nagbibigay sa kanyang mga tagahanga ng pagkakataon na makadalo at makasama niya sa Billboard Music Awards sa huling bahagi ng buwang kasalukuyan kapag nag-upload sila ng video na kumakanta ng awitin niyang Regret in Your Tears.

Nang may magtanong na isang lalaking fan kung babayaran niya ang tuition nito, nag-alok ang rapper ng pondo kung mapatutunayan ng follower na matataas ang mga grado nito.

“Show me straight A’s that I can verify w/ur (with your) school and I’ll pay it. Who wants to join THAT contest?!?!” sagot niya.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Dead serious. Shld (sic) I set it up?”

Biglang bumuhos ang kahilingan mula sa iba pang mga tagahanga ni Nicki, na isa-isa naman niyang sinagot.

“NIC I STARTED OFF COLLEGE W A (sic) B A N G & I REALLY NEED HELP PAYING FOR THE NEXT 3 YEARS PLEASE NIC,” saad ng isang fan.

“How much do u need?” sagot ni Nicki.

“@NICKIMINAJ I have $500 left of my tuition to be paid, single mother raising me and my lil (sic) bro.. from Queens, (New York), you would help me a lot,” sabi ng isang fan.

“Got u (sic),” sagot ng mabait na singer.

Dalawang oras ang iginugol ni Nicki sa pagsagot sa kanyang mga tagahanga bago winakasan ang kanyang generous spree.

Pagkatapos ng giveaway session, iniulat na nakapangako siyang mamudmod ng mahigit $25,000 sa iba’t ibang fans.

“Ok u guys. It’s been fun,” pagtatapos niya. “Let me make those payments tmrw (sic) then see if I have any money left. I’ll do some more in a month or 2.” (Cover Media)