Inuga ng 4.0-magnitude na lindol ang Davao Occidental kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 9:29 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig, na natukoy ang epicenter sa 12 kilometro sa hilaga-silangan ng bayan ng Don Marcelino.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol, na lumikha ng ukang 82 kilometro ang lalim.
Wala namang nasaktan o nasalanta sa pagyanig, ayon sa Phivolcs. (Rommel P. Tabbad)