Lotlot, ama at mga kapatid sa US copy

NAKAUWI na si Lotlot de Leon mula sa pagdalo niya ng Houston International Film Festival sa Texas, U.S.A. na siya ang ginawaran ng Best Supporting Actress award para sa mahusay niyang pagganap sa indie film na 1st Sem”.

Pero pagkatapos ng awards night, nag-side trip si Lotlot sa Detroit, Michigan para bisitahin ang kanyang biological father at tatlong kapatid na babae.

Nag-post siya sa Instagram habang nasa airport siya pabalik ng Pilipinas ng picture na kuha sa kanilang magkakapatid kasama ang ama:

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“There are not enough words to express how happy I feel... To my sisters, Ate Donna (who brought all of us together, thank you, ate!), Dawn and Myria... thank you for taking your time to see me. Thank you for being wonderful and so loving. I have loved all of you even before I met you. To Papa and Tita Vicky, thank you for all the warmest hugs and love. I’ll see you again soon, ok? It was the best 2 days! #ingodsperfecttime #grateful #see you again #family #imcominghomemanila.”

Hindi na makapagtagal ng bakasyon si Lotlot dahil kailangan na siya sa ilang taping days pang natitira sa pagtatapos ng Destined To Be Yours. Siya ang gumaganap na mabait at maunawaing ina ni Benjie (Alden Richards), na ngayon ay may problema kung sino ba talaga ang kanyang minamahal, ang dating girlfriend na si Trish (Thea Tolentino) na iniwan siya noon pero nakabalikan niya o si Sinag (Maine Mendoza) na nakilala niya habang nagpapagaling ng heart problem at sa paningin niya ay siya niya talagang destiny.

Sa direksiyon ni Irene Villamor, napapanood ang teleserye nina Alden at Maine gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia.

(NORA CALDERON)