Tatapusin ngayong araw ang burador ng Executive Order (EO), na inaasahang ipagbabawal ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon, sa sektor ng paggawa para makahabol sa susunod na serye ng Labor Dialogue ni President Rodrigo Duterte sa Biyernes.

Inihayag ni Labor Undersecretary Joel Maglunsod na makikipagpulong sila sa mga lider ng mga manggagawa ngayong araw sa Department of Labor and Employment (DOLE) main office sa Intramuros, Manila upang pagsama-samahin ang kanilang mga binalangkas na bersiyon ng EO.

“Their unified position will be the one that will be submitted to the Office of the President,” sabi ni Maglunsod sa isang panayam.

“It is important to immediately submit the order so Malacañang could study it before the next meeting,” dugtong niya. (Samuel P. Medenilla)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga