SUNSHINE copy

MARAMING natatanggap na papuri si Sunshine Cruz simula nang ipalabas ang markadong episode ng Wildflower last Friday. Nagkaharap na kasi ang character nilang dalawa ni Aiko Melendez.

Inamin ni Sunshine na medyo kabado siya sa taping ng ipinalabas na episode, pero dahil sa director nila at sa mga kaeksena niyang sina Aiko, Tirso Cruz III at Maja Salvador ay nawala ang kaba niya.

Pero mas marami pang pasabog ang palabas nila sa mga darating pang episode, sey ni Sunshine. Kaya huwag daw bibitaw ang televiewers.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Bukod sa mga bumabati sa ipinakitang acting ni Sunshine sa Wildflower, sunud-sunod na rin ang pagbati sa kanya ng followers niya ng Happy Mother’s Day.

Tumaon din ang isyu ng “naano lang” ni Sen. Tito Sotto kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo kaya malayang nakakapag-emote ang single mothers na kagaya ni Sunshine Cruz.

Nag-post sa Instagram si Sunshine ng isang quotation tungkol sa kanyang pagiging single mother sa tatlo niyang anak.

“Being a single parent is twice the work, twice the stress and twice the tears, twice the love and twice the pride” at may caption pang, “We have our struggles but it is always worth it. Respect to all single moms out there.”

“Medyo napikon lang ako sa isang follower ko sa Facebook dahil parang ang dating, eh, kinukuwestiyon niya ‘yung quotation ko,” sey ni Shine.

Kaya hindi raw niya naiwasang patulan ito.Banggit kasi ni @yoonming8403, ang dami namang small matters, kung bakit masyado raw na apektado si Sunshine sa isyu kay Tito Sotto.

Sinagot ito ni Sunshine ng, “Small or big matter man ito, may sinabi ba akong masama? This is my account and I can post whatever I want to post. Good afternoon.”

Sumagot pa ulit ang naturang basher ng, “Hindi naman kau pinatatamaan ni Sen. Sotto wag ka masaktan hindi ka naman na-ano ur a good mother wag magpa-apekto ung ganong words na sinabi ni senador. Sa mga naano ‘yun, so ur not naano, no.. hehehe. God bless more power.” (JIMI ESCALA)